10/13/2008 03:58:00 PM

the letter from a dear friend

from the keyboards of misis_pb

This was supposedly for our Wedding site.  My friend, Riyu's message to us.  But i found it so fun to read again that I had to post it here.  For everyone's info, Muning is me, Derek is my husband, Kyan.

Muning! 
Konting kembot at tambling na lang, kasalan na!!!!! si direk, 1st time akong kinausap nyan sa bus pauwi ba or pabalik ng elbi. basta! nagtanong about muning, kung may bf, taga-san, etc. syempre, ako bigay2 ng details at ultimong hang-ups nya sa HS puppy love nya (kung puppy mang matatawag?) naikwento ko.. hehe sorry muning!
kaya ayun, kinwento ko din kay muning and yun yung time na nagpepresent si derek ng "cycle" thing sa hfds na may broken lines, solid lines. tanda mo pa ba muning?  ako, tandang-tanda ko pa nung sinabi ko kay muning na feeling ko crush (high school? :-p)sya ni derek. Ayun, nagulat lang naman si muning kasi di naman sya malisyosa (hindi nga ba?). hanggang, ayun invite ka na ng manok ko na pinagtaguan mo! pero dahil pursigido, nahanap ang bahay sa faculty at nabigyan ka ng cream-o at gatas (na nakain ko rin :-), napahiram tayo ng soundtrack ng sleepless in seattle (remember "in the wee small hours of the morning"), nabigyan ka ng flowers ng mga lalaking gusto mo (sa humanities) courtesy of derek. syempre sa tanda ba naman nya saten, halos kilala na nya lahta ng tao sa humanities noh! Hanggang naging kayo na at tumira ka na sa calma. remembering things we (tayong dalawa at tayong tatlo) shared together, i cant help but smile :-) -- ang pagtulog nting 3 ng magkakatabi, ang pag-join ko sa monthsary niyo sa jollibee w/ 2pc chicken, sa kenny rogers sa town center, sa wendys na most of the time charged kay derek! bwahahah!ang meryenda nating pancit canton at pagkaing "mura"... remember derek?! :-p  halos di na tayo naghihiwalay at dun na din ako natutulog sa kwarto ni muning na pati damit nya, gamit ko na (kasi medo maliit pa ako nun kasi walang tigil ang paglalakad namin), ang walang katapusang kwentuhan ng mga bagay na may sense at walang sense, minsan tahimik na tayo pero okay lang. Minsan wala kaming magawa kaya tambay lang sa likod ng lib, kain at usap. nawitness ko din ang iyakan at tawanan, sulatan, lambingan, hiwalayan at paghahabol nila sa isat-isa. hayy... hanggang nagkahiwalay na nga...  napalayo na din ako sa kanila kasi sinampa ko na ang isa kong hita sa kabilang fence. alam nyo na yun! then LOA and nagshift na ako to nutrition. In short, nawalan na kami ng communication. Hanggang hi's and hello's na lang sa campus. kaya nga not so close friend anymore...tseh! gulpihin kita e!  but when they got back together, i was invited in a "feast" sa bubba gump! an saya! sorry na lang pero sa lahat ng naging boys ni muning, si derek lang ang minahal ko and nagustuhan ko as ana's partner. 100 pogi points for derek! :-) kaya sobrang happy ko na kayo pa rin talga nagkatuluyan. aba naman! kakapal ng mukha nyo, away-bati at iyak-tawa sa harap ko!  i'll never forget all the good and bad times we shared -- yung pagbagsak sa exam, problema sa acads & teachers, ang walang tulugang pagrereview (pagrereview nga ba?), kaguluhan sa TC, sa relasyon, etc., and memorable moments (many to mention) nating tatlo, namin ni muning -- pagkawala ng pera, pagkain, pagtaba, pagpayat, pambabae (ops akin lang pla 2!harhar), pamboboys, milya-milyang paglalakad, pagpapaulan, pagabsent, pagtatago ng sikreto, panunugod sa SU ng dahil sa lintek na pag-ibig ni derek w/ the brotherhood, at kung anu2 pa... . And just so you know, sila lang ang couple friends ko na never akong nailang kahit maglandian pa sa harap ko (eewww!), mag-amuyan ng kili-kili, maglambingan, at kahit all week kaming magkakasama, ayos lang ako.  o siya, masyado ng mahaba ito at kung anu-ano na ring nasabi ko.  so pano, congratulations and goodluck sa buhay may asawa at pamilya. will always be here for you:-) magmahalan ha at si ada sundin... sya ang mayor niyo:-p

0 comments:

Post a Comment